Sabado, Enero 31, 2015

Lakbay Aral sa GK Enchanted Farm!



Ang GK Enchanted Farm


Kami ay naglakbay aral sa Enchanted Farm.



 Nalaman namin kung paano gumawa ng  peanut butter.Dahil gumawa kami ng peanut butter gumawa din kami ng peanut butter ice cream.  Kami ay tumikim ng sorbetes na  ginawa namin.



Bago kami  gumawa  ng  sorbetes at peanut butter nalaman  namin  na ang Bayani Brew ay gawa sa purple leaves at lemon grass. 



 Maganda talaga sa GK Enchanted Farm!


Linggo, Enero 25, 2015

Magandang Mundo


Ito ay espesyal na mundo.





Ito ay espesyal na mundo kasi dito tayo nakatira.


Espesyal ang mundo na ito kasi maraming makikita dito. 


Espeyal ang mundo naito kasi malinis ang mundo na ito.


Espesyal ang mundo na ito kasi mayroong oxygen dito.






Sabado, Enero 17, 2015

Pinagpalang Anak at Mga Razkal

Ako po si Keiko Aurora B. Ferrer, isang 7-taong gulang na estudyante ng Raya School.  Ako ay pangalawa sa tatlong magakakapatid na babae.
Si Ate Kaleigh, Kat-Kat, at Ako


Lahat ng pangalan namin sa pamilya ay nagsisimula sa letrang-K. Ang ate ay si Kaleigh Ysabelle at ang aming bunso ay si Katrina Gabrielle. Tinatawag kami ni Mommy na Tres-K Marias. Ang pangalawang pangalan namin tatlo ay galing sa mga Disney Princesses, si Belle, si Aurora, at s Ariel.
Kei-Ko - Blessed Child

Ang pangalan na Keiko ay hango sa wikang Hapon. Mahilig kasi sa Anime ang aking Daddy kaya pumili sya ng Hapon na pangalan. Ang ibig sabihin nito ay "pinagpalang anak".

Marami akong ginagawang masayang bagay sa Raya, katulad ng pagsali ko sa Raya Football Team, ang Raya Razkals.

Masayang maglaro ng football kasama ng mga kasama ko sa Raya.  Ako ay sumali sa Razkals bilang ehersisyo ko. Dahil dito bumibilis ang aking pagtakbo at lumalakas ang aking katawan. Madami din akong nakikila na mga taga-Raya na galing sa ibang baitang.

Razkals Under-8
 Ang kasalukuyang posisyon ko ay striker. Ang isang striker ay bahagi ng opensa ng isang team. Ang striker ang nag-go-goal para sa isang team. May mga nakamamit na din akong mga medalya bilang bahagi ng Razkals.

Ang unang sinalihan ko na paligsahan ay ang Maroons Football Invitation Cup. Nagwagi kami ng 3rd place para sa Under-8 dito.

Marami pa akong gustong ikwento tungkol sa akin, abang ang susunod na post!