![]() |
Si Ate Kaleigh, Kat-Kat, at Ako |
Lahat ng pangalan namin sa pamilya ay nagsisimula sa letrang-K. Ang ate ay si Kaleigh Ysabelle at ang aming bunso ay si Katrina Gabrielle. Tinatawag kami ni Mommy na Tres-K Marias. Ang pangalawang pangalan namin tatlo ay galing sa mga Disney Princesses, si Belle, si Aurora, at s Ariel.
![]() |
Kei-Ko - Blessed Child |
Ang pangalan na Keiko ay hango sa wikang Hapon. Mahilig kasi sa Anime ang aking Daddy kaya pumili sya ng Hapon na pangalan. Ang ibig sabihin nito ay "pinagpalang anak".
Marami akong ginagawang masayang bagay sa Raya, katulad ng pagsali ko sa Raya Football Team, ang Raya Razkals.
Masayang maglaro ng football kasama ng mga kasama ko sa Raya. Ako ay sumali sa Razkals bilang ehersisyo ko. Dahil dito bumibilis ang aking pagtakbo at lumalakas ang aking katawan. Madami din akong nakikila na mga taga-Raya na galing sa ibang baitang.
![]() |
Razkals Under-8 |
Ang unang sinalihan ko na paligsahan ay ang Maroons Football Invitation Cup. Nagwagi kami ng 3rd place para sa Under-8 dito.
Marami pa akong gustong ikwento tungkol sa akin, abang ang susunod na post!
Ang galing ng pagkakasulat mo! Ang dami kong natutuhan tungkol sa iyo, Princess Aurora! ;)
TumugonBurahin